Showing posts with label hatred. Show all posts
Showing posts with label hatred. Show all posts

Friday, November 20, 2009

reAlization

Narealize ko na kahit na anong effort ang ibigay mo, di mo tlga ma-p-please lahat. Meron at meron pa ring di matutuwa. Well, kasi iba iba tayo ng preferences, so all we need to do is to understand each other, right? Haiz, ang akin lang, it would be better if you try to be fair at all times. Know the premises first, don't jump into conclusions. Because if you do you might hurt others' feelings, be sensitive na lang [kung meron kayo non!] Alamin din both sides of the stories hindi ung sa'yo lang pakikinggan mo o yung kay Maysala A o ung kay Maysala B. Try to be an effective judge yourself.



Hala! ang labo ko na ata, basta-- ganun. Ang gulo rin ng isip ko ngaun eh. Pro one thing narealize ko, sa panahon na pagta-trabaho ko, sobrang maraming bagay na nangyari. For sure di ko 'to makakalimutan. Pero may mga bagay at tao dito na ang lalabo. Minsan okay sila, minsan hindi. Ung iba hindi marunong umintindi. Meron silang sariling gobyerno, ayaw unmintindi ng rason ng iba ang gusto nila kung ano yung sa kanila yun na yun, fixed, final!


Which is wrong as in maling-mali! Meron naman ibang kala mo matapang pero pag nasa sitwasyon sila ng gipitan natatakot na, ilalag pa ung tinatawag nilang kaibigan. [anong klaseng tao ka ba?!] Nangangatal na at ilalabas ang sarili sa gulo! Akala mo uurungan kita, ang lakas ng loob mong magsabing mag-usap usap sa opisina ng nakakataas, yung unang insidente ngang pangyayari sa buhay mo na nadawit ka halatang-halatang takot ka, hindi mo kayang itago yun! Ang akin lang sana lang bago mo ibuka bibig mo pakaisipin mo muna ng bilyong beses bago mo isawalat nasa isip mo! Humarap ka sa salamin, pakatitigan mo mukha mo kasi yan mismo ang gumagawa ng sarili mong multo.


Wopzi-- wait lang, hindi ako nakikipagaway, sumama lang talaga ng sobra loob ko! At eto lang ata ang way para mailabas to, kasi naman kahapon pa akong hindi masaya sa mga nangyayari. Iiwas na lang ako sa mga bagay-bagay, pero ipopoint out ko na hindi bahag and buntot ko. Ayoko lang maging bida sa mga panahon ngaun, iiwas na lang ako kesa ano pa masabi ko na makakasakit ng damdamin ng iba! Ang labo-labo ko na talaga, basta I believe that every person has inherent worth and dignity at sana paniwalaan mo rin yun, kahit ang pinakamakasalanang tao kailangan pa ring bigyan ng pagkakataong ipagtanggol sarili niya...


Teka, masyado ng lumalayo, dito na lang muna. Masyado ng mainit dito sa lugar ko, i need fresh air. Punta muna ako sa may bintana kasi mejo exhausted na ako!


efp_21


gaLiT


Labing dalawang oras ng pagtatrabaho
At galit ang inihandog sa akin
Ng kinasasabikang kaibigan
Galit na nasiklaban
Na tila posporong sinindihan
At walang pasubaling itinapon
Sa isang garapon ng damdamin
Ng naglalawang gasolina
Naguumapaw na naipong mga luha
Na pinilit lunukin at bumalot
Na parang semento sa pusong
Tuluyang napuno na ng poot
Na marahil tulad ko’y maglalaho
Isasama sa aking paglisan
Bitbit: isang bote ng tubig
Isang headset
Isang libong piso
At isang lumang keyboard
H’wag mo akong subukang hanapin
Hayaang pakawalan ang lihim
Ng isang galit na malalim!


efp_21