Ang isa sa pinakamasakit na mangyayari sa isang relasyon eh yung malaman mo na pinagtataksilan ka ng taong mahal mo. Pinagkakatiwalaan mo siya ng buong buo yun pala hindi mo alam na habang naghihintay ka ng text o tawag niya eh nakikipaglambingan na pala siya sa iba. Ang sakit! Parang ang sarap pumatay ng tao [pero ayoko makulong ng dahil sa ganun!hmp, papakulam ko na lang!haha-- jokens]. Pero inaamin ko na hindi naman talaga ako galit sa mga taong katulad nila kasi naman may ibat'-ibang dahilan kung bakit nangyayari at nagagawa nila ang mga bagay na hindi dapat. Sabihin niyo ng mali ako pero malawak lang talaga pang-intindi ko. Kasi naman bakit ako tututol sa mga ganyan na bagay kung yun pala ang nakakapagpaligaya sa kanila na hinding-hindi ko kayang ibigay [ang lupet ko!]. Bakit ko sila pakikialaman eh mga buhay nila yun at hindi na sila mga bata na hindi marunong ng tama o mali. Pero minsan natanong nyo na ba sarili nyo, ano nga ba ang dahilan bakit may mga taong kagaya nila? Bakit nila nagagawa yun? Sa pagkakataong ito, sabayan nyo akong lawakan ang inyong mga isipan at subukan natin silang unuwain dahil baka naman -
Nabobored na siya - hindi ka na siguro katulad ng dati na sweet at thoughtful. Yung tipong, dati magtetext kang, "kumain knb?" "ingat lagi" ung tipong alarm clock ng tinatawag. O baka naman sa 10 taon niyong pagsasama eh hindi mo pa siya nailalabas para magdate? O kaya, hindi kna nag-i-i-love you, eh talaga namang mababagot yun at maghahanap ng iba.
Di siya makuntento - aminin natin na minsan talaga hindi tayo makuntento sa kung anong meron tayo kaya naghahanap pa tayo ng “MAS”, mas pogi, mas macho, mas mayaman o kaya mas malambing, mas masarap, mas magaling[saan?!?!haha, ehem]. Kung ganun malamang ngang maghahanap at maghahanap yun ng ibang tutugon sa pagkukulang ng isa.[kaya suggest ko na lang na be creative!harharhar at mahabang tawa pa!]
Mahina siya sa tukso - may mga tao talagang mahina sa tukso. Kahit di nila gustong gawin, wala silang palag dahil palay na mismo ang lumalapit. Tao lang ako, yun ang lagi nilang dahilan.
Hindi siya makapili kung sino talaga ang mahal niya - minsan magugulat na lang tayo paggising natin sa umaga marerealize natin na unti unti na pala tayong nahuhulog sa ibang taong madalas nating kausap o kasama. Tapos magiisip tayo ng magiisip kung sino ba talaga ang mahal natin pero dahil sa hindi tayo makapali, ang tanging paraan ay ang pagsabayin sila.[o diba, i'm sure maraming makakarelate-- am i right or definitely and totally right?]
Naghahanap ng atensiyon - baka naman wala ka nang oras sa kaniya. Puro nalang pagtatrabaho, pag-i-internet, pagpapaganda o pagaaral ang inaatupag mo. Baka hindi mo na rin napapansin ang bagong niyang gupit, t-shirt o sapatos kaya naghanap ng ibang taong magbibigay ng mas maraming atensiyon.

Gustong maghiganti - eto yung mga taong nabiktima na rin ng mga salawahan at gustong maghiganti. Ganito ang kadalasan nilang sinasabi, “May babae ang boyfriend ko kaya manlalalaki rin ako para maramdaman rin niya kung ano ang nararamdaman ko. Bakit siya lang ba may karapatang manloko?!?” [which is wrong based on my own experience kasi kapag nagkataon, sa huli tayo rin and lugi, tapos iiyak-iyak kasi pareho silang nawala sa buhay mo.]
Gusto lang magmayabang at patunayang malakas ang appeal niya - mas maraming boyfriend o girlfriend, mas malakas daw ang dating. Minsan gusto lang din nilang magmayabang sa tropa na marami siyang girlfriend o boyfriend dahil gwapo o maganda siya. Sadyang likas na sa kaniya ang maging babaero o lalakero, wala tayong magagawa kung sadyang ganiyan ang boyfriend o girlfriend mo, dahil kahit anong gawin mo, mangbababae at manglalalaki yang jowa mo dahil ipinanganak na siyang ganiyan. At hindi malayong mangyari na mamatay na rin siyang ganiyan. Naku wag naman sana! ang brutal ko talaga! sensya na. Kaya siguro tanggapin mo na lang ang katotohanan o di kaya humanap kna lang ng iba!wehehe

Well, for now, hanggang dito na lang muna, inaalis ko lang talaga antok ko, pero mukhang wa effect. Hay, ang dami ko pang gagawin pero inuna ko to kasi nasa mood akong maglathala kasi pag-ako tinamad magtipa at nagsiwalaan na mga nasa isip ko malamang maasar nanaman ako sa sarili ko! Oh siya, dito na lang talaga kasi baka mahuli ako na hindi "work related" ginagawa ko, lagi pa naman pumunta dito si rebondedbala. Haiz-- efp is signing off-- for now, be back later kung may maisip naman akong ishare!...