Friday, November 20, 2009



gaLiT


Labing dalawang oras ng pagtatrabaho
At galit ang inihandog sa akin
Ng kinasasabikang kaibigan
Galit na nasiklaban
Na tila posporong sinindihan
At walang pasubaling itinapon
Sa isang garapon ng damdamin
Ng naglalawang gasolina
Naguumapaw na naipong mga luha
Na pinilit lunukin at bumalot
Na parang semento sa pusong
Tuluyang napuno na ng poot
Na marahil tulad ko’y maglalaho
Isasama sa aking paglisan
Bitbit: isang bote ng tubig
Isang headset
Isang libong piso
At isang lumang keyboard
H’wag mo akong subukang hanapin
Hayaang pakawalan ang lihim
Ng isang galit na malalim!


efp_21

No comments:

Post a Comment