...psst, may sasabihin ako. Isang secretong napakalaki-- malaki na siguro to. Uhm, nagadadalawang isip kasi ako baka sabihin mo sa kanya eh. Pero sige na nga, okay lang kung makaabot sa kanya. Kasi ganito, hindi ko alam kung saan at paano nagumpisa lahat. Kasi napansin ko na lang eh humahanga na ako sa kanya! Imagine, narealize ko na lang isang araw na crush ko na siya. Parang magic. Isang kabuteng tumubo na lang basta without that much effort, ahaha. Sa totoo lang hindi ko naman talaga alam kung ano ba talaga ang nagustuhan ko sakanya. Siguro dahil mabait siya. Responsable. Cute naman ng konti, hehehe, peace! Pero bakit ba nagkakacrush pa rin ako? Masyado na ba akong malandi? Hay, okay lang, kasi alam ko naman na lilipas lang 'to. Siguro magigising na lang ako ulit isang araw na hindi na sya nag-e-exists sa sistema ko.
Wala naman, isa lang syang inspirasyon na maituturing, siyempre, wala ng ibang hihigit pa sa ama ng anak ko sa puso ko noh! Hehe, tart, sorry na alam mo naman na may crush ako, di ba?? Sinasabi ko naman sayo lahat kasi ayokong magtago. Tsaka relax ka lang jan, kasi mahal na mahal kita, okay. At hindi kita ipagpapalit kahit na kay Albert Martinez lang, hahaha.
Hindi naman siguro maituturing na kasalanan ang magkaroon lang naman ng crush di ba as long as hindi sosobra sa limitasyon. Now, alam nyo na ba kung sino crush ko? Wag nyo na lang sigurong alamin pangalan nya kasi baka lumaki ulo. Most often than not, may mga tao kasi kapag alam nila na may humahanga sa kanila eh lumalaki ulo kaya siguro I'll keep it this way na wag nang ireveal kung sino siya, hehehe. Minsan nakakatakot talagang umamin kasi nakakahiya, tapos naguumpisa ng magkaroon ng gap sa pagitan nyo. Kaya, I would opt na wag na lang. Basta point out ko lang ulit na may hinahangaan ako, isa sainyo-- who knows, ikaw na, oo ikaw na bumabasa nito. Except syempre ang kabaro ko noh-- gurlz, hindi tayo talo ah, hehe.
Sige na malapit na uwian, kaya hanggang dito na lang muna...
No comments:
Post a Comment