Narealize ko na kahit na anong effort ang ibigay mo, di mo tlga ma-p-please lahat. Meron at meron pa ring di matutuwa. Well, kasi iba iba tayo ng preferences, so all we need to do is to understand each other, right? Haiz, ang akin lang, it would be better if you try to be fair at all times. Know the premises first, don't jump into conclusions. Because if you do you might hurt others' feelings, be sensitive na lang [kung meron kayo non!] Alamin din both sides of the stories hindi ung sa'yo lang pakikinggan mo o yung kay Maysala A o ung kay Maysala B. Try to be an effective judge yourself.
Hala! ang labo ko na ata, basta-- ganun. Ang gulo rin ng isip ko ngaun eh. Pro one thing narealize ko, sa panahon na pagta-trabaho ko, sobrang maraming bagay na nangyari. For sure di ko 'to makakalimutan. Pero may mga bagay at tao dito na ang lalabo. Minsan okay sila, minsan hindi. Ung iba hindi marunong umintindi. Meron silang sariling gobyerno, ayaw unmintindi ng rason ng iba ang gusto nila kung ano yung sa kanila yun na yun, fixed, final!

Wopzi-- wait lang, hindi ako nakikipagaway, sumama lang talaga ng sobra loob ko! At eto lang ata ang way para mailabas to, kasi naman kahapon pa akong hindi masaya sa mga nangyayari. Iiwas na lang ako sa mga bagay-bagay, pero ipopoint out ko na hindi bahag and buntot ko. Ayoko lang maging bida sa mga panahon ngaun, iiwas na lang ako kesa ano pa masabi ko na makakasakit ng damdamin ng iba! Ang labo-labo ko na talaga, basta I believe that every person has inherent worth and dignity at sana paniwalaan mo rin yun, kahit ang pinakamakasalanang tao kailangan pa ring bigyan ng pagkakataong ipagtanggol sarili niya...
Teka, masyado ng lumalayo, dito na lang muna. Masyado ng mainit dito sa lugar ko, i need fresh air. Punta muna ako sa may bintana kasi mejo exhausted na ako!
efp_21
efp_21
No comments:
Post a Comment